Ang Miss Earth 2022 ay ang ika-22 edisyon ng Miss Earth pageant, na ginanap sa Okada Manila, sa Parañaque, Kalakhang Maynila, Pilipinas noong 29 Nobyembre 2022. Ito ang unang pagkakataon na pisikal na ginanap ang patimpalak mula noong 2019 dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Destiny Wagner ng Belis si Mina Sue Choi ng Timog Korea bilang Miss Earth 2022. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Timog Korea sa Miss Earth. Kinoronahan bilang Miss Earth-Air si Sheridan Mortlock ng Australya, bilang Miss Earth-Water si Nadeen Ayoub ng Palestina, at bilang Miss Earth-Fire si Andrea Aguilera ng Kolombya. Mga kandidata mula sa 86 na mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni James Deakin ang kompetisyon, samantalang sina Miss Earth 2015 Angelia Ong, Miss Earth 2017 Karen Ibasco, at Miss Earth 2019 Nellys Pimentel ay nagsilbi bilang mga koresponden.
Developed by StudentB